Home NATIONWIDE Asian electoral stakeholders forum sa Maynila, ipinagpaliban ng Comelec, ANFREL

Asian electoral stakeholders forum sa Maynila, ipinagpaliban ng Comelec, ANFREL

125
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) at Asian Network for Free Elections (ANFREL) ang pagpapaliban o posibleng paglipat ng ika-7 Asian Electoral Stakeholders Forum (AESF-7) na gaganapin sana sa Maynila dahil sa idineklarang national energy emergency bunsod ng krisis sa Middle East.

Ang aktibidad ay orihinal na nakatakda noong Abril 21 hanggang 23, 2026.

Ayon sa Comelec, alinsunod sa Executive Order No. 110, naglabas ito ng Resolution No. 26-0245 para ipagpaliban o kanselahin ang ilang aktibidad na hindi agarang mahalaga, dahil sa epekto ng krisis sa ekonomiya, pagtaas ng presyo ng gasolina, at pagpapatupad ng pagtitipid sa enerhiya at pondo ng pamahalaan.

Layunin nito na bigyang-priyoridad ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno at umangkop sa kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya.

Gayunman, nilinaw ng Comelec na hindi kasama sa pagpapaliban ang mga paghahanda para sa halalan, kabilang ang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) at ang 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSE).

Iaanunsyo ang bagong petsa ng forum sa mas angkop na panahon, kapag isinasaalang-alang na ang sitwasyon ng bansa at partisipasyon ng mga stakeholder mula sa rehiyon at iba pang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here