Home METRO Illegal fuel seller arestado sa Masbate

Illegal fuel seller arestado sa Masbate

137
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang indibidwal dahil sa umano’y illegal na pagbebenta ng langis sa Masbate, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, Marso 26.

Sa pahayag, sianbi ng PNP na ang suspek ay kinilala bilang si alyas Rolly, 40-anyos na nahuli sa buy-bust operation sa Barangay Tan-awan, Placer noong
Martes.

Ang operasyon ay isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Masbate Provincial Field Unit at Placer Municipal Police Station sa ilalim ng Masbate Provincial Police Office.

Nahuli sa akto ng mga awtoridad ang suspek na nagbebenta ng gasolina na paglabag sa Batas Pambansa Bilang 33, na inamyendahan ng Presidential Decree 1865.

Sa operasyon, nasamsam sa kanya ang limang litro ng gasolina kabilang ang 75 bote ng soft drink, na naglalaman ng tig-isang litro ng gasolina, at 22 plastic container na naglalaman naman ng tig-15 litro ng gasolina.

Aabot sa P38,475 ang kabuuang halaga ng mga ito.

“This arrest demonstrates our commitment to uphold the law and maintain fair market practices. Hindi puwede ang hoarding at profiteering lalo na sa panahon ngayon,” sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Itinurn-over sa CIDG ang mga nakumpiskang petroleum products para sa dokumentasyon at paghahain ng nararapat na kaso sa korte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here