Home METRO May-ari ng baril na nakuha sa stude sa Cotabato, iniimbestigahan ng PNP

May-ari ng baril na nakuha sa stude sa Cotabato, iniimbestigahan ng PNP

1
0

NORTH COTABATO, Philippines – Patuloy na inaalam ng pulisya ang may-ari ng isang loaded .45 caliber pistol na umano’y nakuha mula sa isang Grade 12 female student sa gate ng Notre Dame of Matalam noong Oktubre 1.

Ayon kay Lt. Col. Marvin Hugos, hepe ng Matalam Municipal Police Station, iniimbestigahan din ang posibilidad na kasuhan ang ama ng 17-anyos na estudyante sa ilalim ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ang ama, ngunit itinanggi nitong pag-aari niya ang baril. Samantala, sinabi ng estudyante na sa kanyang ama umano ang naturang armas.

Nakuha ang baril sa loob ng sling bag na nasa compartment ng motorsiklong minamaneho ng estudyante. Nakarehistro naman sa pangalan ng kanyang ama ang motorsiklo.

Sinabi ni Hugos na nakadepende sa mga makukuhang ebidensya at pagsusuri ng police legal team ang anumang pagsasampa ng kaso.

Isinailalim na sa forensic examination ang baril. Nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa Regional Civil Security Unit upang malaman kung rehistrado ito at matukoy ang legal na may-ari.

Samantala, isinailalim ang estudyante sa kaukulang assessment at intervention bilang child in conflict with the law (CICL) alinsunod sa batas.

Matapos ang insidente, pinaigting ng pulisya ang koordinasyon sa mga paaralan at barangay sa Matalam, kabilang ang room-to-room visits sa mga paaralan sa bayan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here