Home HOME BANNER STORY Publiko binalaan ni VP Sara: Maghanda sa kawalan ng trabaho, kapos na...

Publiko binalaan ni VP Sara: Maghanda sa kawalan ng trabaho, kapos na pagkain sa katapusan ng taon

151
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Vice President Sara Duterte sa publiko na maghanda sa posibleng paglala ng kalagayang pang-ekonomiya hanggang sa katapusan ng 2026, kabilang ang banta ng pagkawala ng trabaho at kakulangan sa pagkain.

Sa isang video message, inihayag ni Duterte ang pagpapatupad ng cost-cutting measures ng kanyang tanggapan, kabilang ang pagkansela ng dalawang malalaking aktibidad—ang selebrasyon para sa LGBTQ community at ang four-year accomplishment report ng Office of the Vice President (OVP).

Ang pondo mula sa mga naturang aktibidad ay ilalaan sa Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies (RIICE) program ng OVP.

Binigyang-diin niya ang posibleng epekto ng tagtuyot dulot ng El Niño at pagbaha sa panahon ng tag-ulan na maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at makaapekto sa kabuhayan.

“Simulan na nating planuhin ang ating mga hakbang hanggang sa katapusan ng taong 2026, kasama na ang pagharap sa posibleng pagkawala ng trabaho, patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, at risk reduction measures laban sa epekto ng matinding init at mga pagbaha sa ating kabuhayan,” ani Duterte.

“Sa ating pagtitipid, unahin natin ang sapat na pagkain para sa ating pamilya, pagpapagamot sa may sakit, at ang edukasyon ng ating mga anak,” dagdag pa niya.

Tiniyak din ng Bise Presidente na magpapatuloy ang serbisyo ng Office of the Vice President sa gitna ng krisis.

“Maliit man ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, makakaasa kayo na bawat isa sa amin ay patuloy na naglilingkod at naghahanap ng paraan upang makatulong sa taong-bayan,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here