MANILA, Philippines – Maaaring umabot sa P1,500 ang presyo ng isang 11-kilogram na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Abril, babala ng LPG Marketers Association (LPGMA).
Sinabi ng grupo na dulot ito ng pagtaas ng shipping costs bunsod ng limitadong access sa Strait of Hormuz.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa mahigit P825 hanggang lampas P1,135 ang presyo ng LPG tank sa Metro Manila, kaya’t inaasahang malaki ang magiging dagdag-presyo.
Ayon sa LPGMA, inatasan ng Department of Energy (DOE) ang pribadong sektor na ipagpatuloy ang pagbili ng LPG anuman ang presyo upang matiyak ang sapat na suplay.
Nauna nang sinabi ng DOE sa Senado na aabot lamang sa humigit-kumulang 25 araw ang suplay ng LPG, ngunit ayon sa grupo, na-update na ito at maaari nang tumagal sa pagitan ng 35 hanggang 40 araw. Santi Celario