Home HOME BANNER STORY 2-araw transport strike, matagumpay! – Piston

2-araw transport strike, matagumpay! – Piston

124
0

MANILA, Philippines – Idineklara ng transport group na Piston na matagumpay ang dalawang araw na transport strike noong Marso 26–27, matapos ang malawak na partisipasyon ng mga driver at operator ng iba’t ibang pampublikong transportasyon at suporta ng iba’t ibang sektor.

Ayon kay Piston president Mody Floranda, naapektuhan ng strike ang ilang ruta sa buong bansa at mas marami pa umano ang sumali kumpara sa naunang protesta.

Isinagawa ang strike ng grupong “No to Oil Price Hike” na kinabibilangan ng mga tsuper ng jeepney, bus, UV express, at TNVS bilang panawagan sa gobyerno dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.

Nagtipon ang mga grupo sa Welcome Rotunda sa Quezon City at nagmartsa patungong Mendiola, kung saan pinayagan silang magsagawa ng programa sa loob ng dalawang oras.

Kasama sa kanilang panawagan ang pagbawas o pagtanggal ng excise tax at VAT sa gasolina, rollback ng presyo ng fuel sa P55 kada litro, pag-alis ng oil deregulation law, umento sa pamasahe at P1,200 family living wage, at pagnasyonalisasyon ng industriya ng langis.

Ayon sa mga lider ng transport groups, magpapatuloy ang mga protesta hangga’t hindi natutugunan ng gobyerno ang kanilang mga hinihingi. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here