Home HOME BANNER STORY DTI: Walang price freeze sa ngayon kahit may energy emergency

DTI: Walang price freeze sa ngayon kahit may energy emergency

146
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Biyernes na wala pang umiiral na price freeze sa kabila ng idineklarang national energy emergency ng Malacañang.

Ayon sa DTI, nananatiling stable ang suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin matapos mailabas ang Executive Order (EO) No. 110 na layong protektahan ang suplay ng langis sa bansa sa gitna ng krisis sa Middle East.

Sinabi ng ahensya na ang EO 110 ay isang hakbang para maiwasan ang posibleng aberya sa pandaigdigang suplay ng langis.

Kasabay nito, inilunsad ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program na nagbibigay ng tulong o subsidy sa transportasyon at agrikultura upang mabawasan ang epekto sa presyo ng mga bilihin.

Ayon sa DTI, nakipagpulong na rin sila sa 21 malalaking manufacturer ng mga pangunahing produkto tulad ng sardinas, tinapay, bottled water, instant noodles, at kape, at nangakong hindi magtataas ng presyo sa loob ng 30 hanggang 60 araw.

Ang 30-araw na pangako ay tatagal hanggang Abril 16, habang ang 60-araw ay hanggang Mayo 16.

Giit ng DTI, sapat ang imbentaryo ng mga pangunahing bilihin kaya walang dahilan para magkaroon ng biglaang pagtaas ng presyo.

Dagdag pa nito, naka-alerto ang kanilang consumer protection teams upang bantayan ang mga posibleng paglabag tulad ng profiteering o hoarding, at mahaharap sa multa o pagkakakulong ang lalabag. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here