Home METRO P25M pekeng luxury bags, nasamsam sa Maynila; 6 arestado

P25M pekeng luxury bags, nasamsam sa Maynila; 6 arestado

137
0

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang ₱25 milyong halaga ng mga pekeng bag sa isang operasyon sa Maynila, na nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na indibidwal.

Ayon sa PNP, isinagawa ang operasyon sa isang condominium sa Barangay 292, Binondo noong Huwebes ng gabi.

“Ang arrest ay kasunod ng verification sa pamamagitan ng social media intelligence at test-buy operation na nagpatunay sa ilegal na aktibidad ng mga suspek,” ayon sa pulisya.

Nasamsam sa operasyon ang mahigit 20 kahon ng mga pekeng bag, CCTV equipment, at ilang dokumento.

Ang anim na suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 3883, na may kinalaman sa paggamit ng pangalan sa negosyo.

Mahaharap din sila sa mga kaso sa ilalim ng Consumer Act (RA 7394), Intellectual Property Code (RA 8293), at Cybercrime Prevention Act (RA 10175). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here