MANILA, Philippines – Makakaapekto sa buong bansa ngayong Linggo, Marso 29 ang easterlies.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dahil dito ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Pilipinas.
Posible ang landslide o flashflood sa panahon ng severe thunderstorm. RNT/JGC