MANILA, Philippines – Umabot na sa 390,000 na mga outbound at inbound passengers ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ibat-ibang pantalan sa bansa para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026.
Ayon kay PCG Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, ito ay base sa tala ng PCG Command Center.
May pinakamaraming pasahero ang dumagsa sa Batangas, Cebu, Bohol, at Oriental Mindoro.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, tuloy-tuloy ang malawakang pagpapatrolya ng PCG upang maitaguyod ang kaligtasan at seguridad ng publiko.
Inaasahan naman na tataas pa ang datos ng mga dadagsa sa mga pantalan ngayong linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden