Home NATIONWIDE PBBM ngayong Semana Santa: Pagmamahal, serbisyo at pananampalataya ipanumbalik

PBBM ngayong Semana Santa: Pagmamahal, serbisyo at pananampalataya ipanumbalik

150
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na i-renew ang kanilang pangakong pagmamahal, serbisyo at pananampalataya, humugot ng inspirasyon mula sa halimbawa ng pagpapakumbaba at pag-asa ng Poong Hesukristo.

Sa naging mensahe ng Pangulo, araw ng Linggo, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pananampalataya at serbisyo sa kapwa habang ipinagdiriwang ang Semana Santa.

Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas matatag na pagkakaisa sa bansa.

“In this solemn season, we remember the immeasurable love of Jesus Christ, who offered His life in perfect obedience to the will of the Father,” ayon sa Pangulo.

“The Passion of Christ reminds us that true greatness is not found in power, but in sacrifice; not in privilege, but in service; and not in comfort, but in the courage to carry the burdens of others,” aniya pa rin.

Kaya nga, hinikayat ng Chief Executive ang sambayanan na magnilay-nilay sa panahon ng Mahal na Araw.

Hiniling ni Pangulong Marcos sa mga filipino na alalahanin ang hindi matawarang pagmamahal ni Hesukristo, ang sakripisyo at piniling ialay ang sarili para sa sangkatauhan.

“For in every act of compassion, every hand extended to those in need, and every sacrifice made for the good of others, we keep alive the spirit of His message,” ang sinabi ng Pangulo.

“May this Holy Week strengthen our resolve to become a nation guided by faith, united in purpose, and inspired by selfless service,” aniya pa rin.

Samantala, ang Mahal na Araw ay nagsimula ngayong Palm Sunday o Linggo ng Palaspas, Marso 29, at magtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay, Abril 6. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here