Home METRO Ex-PBA player arestado sa Taguig

Ex-PBA player arestado sa Taguig

125
0

MANILA, Philippines – Arestado sa Bonifacio Global City, Taguig noong Marso 28 ang dating PBA player na si Mark Cardona matapos ang reklamo ng umano’y harassment.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang 21-anyos na babae ang nagsabing bigla na lamang siyang hinawakan sa kamay at hinalikan ng walang pahintulot ang dating basketball player.

Dagdag pa sa reklamo, naging agresibo umano si Cardona at itinulak ang boyfriend ng biktima at nakipaghamon pa ng away. Inireklamo rin na sinaktan niya ang lalaki sa mata.

May mga babae rin umanong lumapit at nagsabing dati na rin silang nakaranas ng kaparehong insidente mula sa parehong tao.

Dinala ang biktima at kanyang kasama sa istasyon ng pulisya upang magsampa ng reklamo, at si Cardona ay sumailalim sa inquest proceedings.

Maaari siyang maharap sa kasong acts of lasciviousness at physical injury.

Si Cardona ay dating kilalang high-scoring guard sa Philippine Basketball Association at naglaro para sa Talk ’N Text at Meralco Bolts. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here