Home NATIONWIDE 8 bus operators inireklamo sa ‘di awtorisadong fare hike

8 bus operators inireklamo sa ‘di awtorisadong fare hike

117
0

MANILA, Philippines – Inireklamo ang walong bus operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa umano’y pagtataas ng pamasahe nang walang approval, ayon sa opisyal ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Lunes, Marso 30.

Sinabi ni PITX corporate affairs and government relations head Jason Salvador, namonitor ang mga paglabag kasabay ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at dagsa ng mga pasahero para sa Semana Santa.

“As of count, mga walo na ‘yung naitala namin. So nagbabantay pa rin tayo,” ani Salvador sa panayam ng DZBB.

“Nananawagan pa rin tayo sa mga Kapuso natin, kapag meron po kayo na-monitor, meron po kayong kaalaman na nagtataas ng presyo na hindi pinapayagan, bigay ninyo po kaagad sa amin para maisumbong po natin sa DOTr at LTFRB,” dagdag pa.

Sinabi ng opisyal ng PITX na ang naturang mga bus ay dumaan sa terminal at iniulat matapos umalis ang mga ito.

Anang PITX, wala silang enforcement powers para pigilan ang mga bus sa pag-operate at tanging pamahalaan lamang ang makakapagparusa sa mga ito.

Ipinunto rin na ang pagpapahinto sa non-compliant buses ay magpapalala lamang sa sitwasyon sa pagbawas ng mga biyahe ngayong dagsa ang mga pasahero. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here