MANILA, Philippines – Pansamantalang papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus sa EDSA sa panahon ng Semana Santa para sa dagsa ng mga pasaherong babiyahe patungong probinsya.
Sa abiso, sinabi ng MMDA na ang hakbang ay ipatutupad simula alas-9 ng gabi ng Miyerkules Santo, Abril 1, hanggang alas-6 ng umaga ng Lunes, Abril 6.
Layon nitong mapabilis ang turnaround time para sa mga bus at masiguro ang tuloy-tuloy na biyahe para sa mga commuter na palabas ng Metro Manila para sa mahabang holiday.
Ang mga provincial bus na magmumula sa North Luzon ay papayagang bumyahe sa EDSA hanggang sa mga terminal nito sa Cubao, Quezon City.
Samantala, ang mga bus na mula South Luzon ay papayagang dumaan sa EDSA patungo sa mga terminal nito sa Pasay at sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX). RNT/JGC