Home NATIONWIDE Pagmonitor sa presyo ng mga pangunahing produkto pinaigting ng DTI

Pagmonitor sa presyo ng mga pangunahing produkto pinaigting ng DTI

119
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na pinaigting nito ang monitoring at pagpapatupad ng mga hakbang para mapanatili ang presyo ng mga pangunahing produkto kasabay ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Trade Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque, pinaghahawakan ng ahensya ang commitment ng mga manufacturer at retailer na hindi sila magtataas ng presyo sa basic necessities at prime commodities hanggang Abril 16 at ang ilang items ay inaasahang magiging stable pa rin hanggang Abril 28.

Ani Roque, ang kasunduan ay naabot sa pakikipag-usap sa industry players.

Idinagdag pa niya na karamihan sa essential goods ay sakop ng arrangement at ang ilang mga item ay mapapanatili ang kasalukuyang presyo hanggang sa katapusan ng buwan.

Pananatilihin ng DTI ang mahigpit na koordinasyon sa mga manufacturer at retailer.

Bagamat walang kasunduang naabot lampas sa nasabing panahon ay patuloy na makikipagkita ang ahensya sa mga stakeholder linggo-linggo o tuwing dalawang linggo.

Sinabi rin na bagamat walang fixed cap sa posibleng price adjustment ay tatargetin nila na mapanatiling mababa ang magiging dagdag sa presyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here