Home NATIONWIDE Manual payment ng ayuda sa PUV drivers prayoridad pa rin ng DSWD...

Manual payment ng ayuda sa PUV drivers prayoridad pa rin ng DSWD vs fully digitized

125
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na prayoridad pa rin nila ang beripikasyon kaysa sa mas mabilis na pamamahagi ng cash assistance sa public utility vehicle (PUV) drivers, dahilan kung bakit hindi pa isinasagawang fully digitalized ang pamamahagi nito.

Sa press briefing, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tinututukan sa initial phase ang pagsisiguro na ang ayuda ay makararating sa lehitimong benepisyaryo.

“We have to have a form of validation and verification dahil ito ang unang bugso. Kailangan makita namin, una, totoong mga tao ba ito? Pangalawa, itong mga taong ito ba ay totoong mga driver.”

Aniya, kailangang beripikahin ng ahensya kung ang tatanggap ay tunay na tao at aktibong drayber.

Sinabi pa ni Gatchalian na posible naman ang paglipat sa digital payouts ngunit matapos lamang na makumpleto ang validation process.

May kapasidad naman umano ang ahensya na i-digitize ang sistema ngunit ang initial phase ay para sa beripikasyon.

“Tinatanong kami bakit hindi na lang namin gawing digital? Kaya namin gawing digital ito, napakadali… pero this first step is really meant for validation and verification,” sinabi ni Gatchalian.

Idinagdag pa niya na layong maiwasan ng naturang paraan ang mga isyu na naranasan sa mga nagdaang aid programs.

Ginagamit din ng DSWD ang payout process para matukoy ang inactive o unqualified drivers.

“Pag nag-special payout tayo… at di pa rin sila pumunta, then alam natin these are either inactive drivers, baka namatay na, baka nasa abroad na.”

Samantala, sinabi ni Gatchalian na mayroong safeguards upang maiwasan ang duplication dahil sa multiple na layer ng beripikasyon.

“To the best of our abilities… wala kaming alam na duplicate kasi dalawa ang nagsusuri.”

Handa rin aniya na tumugon ang ahensya sa mga magiging isyu o reklamo.

“We have a very aggressive grievance mechanism. I-report nyo sa amin, hahabulin namin.”

Kasalukuyang namamahagi ang DSWD ng cash aid sa PUV drivers sa Metro Manila at planong palawakin ito sa iba pang rehiyon sa oras na makumpleto ang validation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here