Home HOME BANNER STORY Sakripisyo ng mga OFW sa Middle East crisis tinukoy ni VP Sara...

Sakripisyo ng mga OFW sa Middle East crisis tinukoy ni VP Sara sa Holy Week Message

122
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG DIIN ni Vice-President Sara Duterte ang sakripisyo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan ngayong Semana Santa sa gitna ng umiigting na tensyon sa rehiyon.

Sinabi ni VP Sara na ang Semana Santa ay panahon ng pagninilay-nilay sa matinding sakripisyo ng Panginoong Hesukristo, pinaaalalahanan ang mga mamamayang Filipino na ang tunay na kahulugan ng buhay ay matatagpuan sa pagsisilbi sa iba.

“Kinikilala natin ang sakripisyo ng ating mga kababayan, lalo na ang ating mga OFWs sa Middle East. Sa gitna ng kaguluhan, hinihiling natin ang kanilang kaligtasan. Sila ay mga buhay na halimbawa ng sakripisyo, at hinihiling natin ang kapayapaan sa kanilang kinalalagyan,” ang sinabi ni VP Sara sa isang video message, araw ng Lunes.

Sinabi pa rin niya na ang katahimikan ngayong Semana Samana ay pagkakataon para sa bawat isa na muling suriin ang kanilang aspirasyon, maging ito ay sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya at sa bansa.

“Sa panahong ito ng Kwaresma, isapuso natin ang kapakanan ng ating bansa. Idalangin natin ang isang lipunang pinatatakbo ng katotohanan, katarungan, at tapat na malasakit,” ayon kay VP Sara.

“Nawa’y magsilbing inspirasyon ang aral ng sakripisyo ni Hesus upang tayo ay magkaisa para sa isang matatag at maunlad na Pilipinas,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here