Manila, Philippines – Inamin ni Catriona Gray sa isang panayam na may idini-date na siya.
Kamakailan, nag-viral naman ang photo ng beauty queen kung saan kumakain siya kasama ang kanyang mga kaibigan.
Hindi naman nakaligtas sa mga tsismosang kapitbahay ang lalakeng katabi niya bilang date na sa galawan ay hinihinala ng mga katikatera at sawsawera na bago niyang inspirasyon.
May nakapansin din na kamukha si guy ng rumored ex nitong si Clint Bondad.
May mga nagshi-ship naman kay Cat sa Pasig City Mayor na si Vico Sotto ang nanghinayang dahil lumalabas na waley nang pag-asa ang CatVic.
Ito ang ilan sa hirit ng kibitzers.
“Kamukha si guy ng ex niya.”
“Sa biglang tingin, akala ko kapatid ni Clint.”
“May tipo talaga si teh.”
“Bet ni ate ang balbas sagrado.”
“Pinaghalong Gerald Anderson at Clint Bondad.”
“Wala na pag-asa ang ViCat.”
“Sayang hindi si Vico. Eme haha”
“Basted na si Vico.”
“Parang Vico rin siya na may facial hair.”
“Iyong guy, same ang kilay sa hubby ni Pia Wurtzbach-Jauncey.”
“Pareho sila ng taste ni Pia.”
“Guwapo rin ang bet niya. Pareho sila ni Pia na bet ang makapal ang kilay.”