Home ENTERTAINMENT Mark, nang-indyan ng show sa N’Ecija!

Mark, nang-indyan ng show sa N’Ecija!

148
0

Manila, Philippines – Wanted ngayon ang booking agent na nakipag-transact on behalf of Mark Herras para sa tinanguang commitment sa Barangay Nieves, San Leonardo, Nieva Ecija.

Ayon sa ulat ni Ogie Diaz at mga kasama sa online show na Showbiz Update, nai-book daw si Mark sa fiesta sa nasabing lugar pero hindi ito sumipot.

Ito’y sa kabila ng pagbabayad sa aktor ng 50% downpayment.

Bale ba, bongga pa mandin ang inihandang welcome kay Mark sa event na dinaluhan daw ng maraming tao.

Ang problema, ni isang reply daw sa tawag kay Mark ay wala, binlock pa daw ng aktor ang promoter ng show.

Balak ngayon ng barangay council na kasuhan ang booker sa ‘di pagsipot ng talent na si Mark nga.

Wala daw dahilan para hindi sumipot si Mark dahil bayad ang kalahati ng talent fee niya.

Sinusubukang kontakin ng kampo ni Ogie si Mark ukol dito.

Bukas ang Remate Online sa panig ni Mark Herras. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here