Home NATIONWIDE Opisyal ng barangay sa Maguindanao del Sur, inambush!

Opisyal ng barangay sa Maguindanao del Sur, inambush!

131
0

MANILA, Philippines – Isa na namang pananambang ang naganap sa Maguindanao del Sur nitong umaga ng Lunes, Marso 30.

Ayon kay Capt. Steffi Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), sugatan si Hadji Mansor Mangelen, barangay chairman ng Barangay Damalusay, Paglat, Maguindanao del Sur, matapos tambangan 8:30 ng umaga sa Barangay Malangit, Pandag.

Nasaktan din ang drayber ni Mangelen na si Arafa Abpet.

Sakay si Mangelen ng itim na Toyota Innova (Plate No. MAH-2991) na minamaneho ni Abpet patungong Paglat town proper nang paputukan ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

“The suspects overtook the victims’ vehicle and then opened fire on the driver’s side,” ani Salanguit.

Agad naman na dinala sa Buluan District Hospital sa Buluan, Maguindanao del Sur ang dalawang biktima ng mga rumespondeng pulis.

Hindi pa tukoy ang motibo sa pag-atake.

Ang pananambang ang ikatlo sa mga naging pag-atake sa Maguindanao del Sur mula noong nakaraang linggo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here