Home HOME BANNER STORY Pinoys sa UAE na gustong magpa-repat, binalaan sa negosasyon sa ‘3rd party’

Pinoys sa UAE na gustong magpa-repat, binalaan sa negosasyon sa ‘3rd party’

105
0

ABU DHABI – Nagbabala ang Philippine Embassy in the United Arab Emirates sa mga Pilipino laban sa pakikipagtransaksyon sa mga third party na naniningil kapalit ng repatriation, at iginiit na libre ang tulong ng pamahalaan sa pagbabalik sa bansa.

Sa inilabas na advisory, hinikayat ng Embahada ang publiko na iwasan ang mga indibidwal o grupong nagpapakilalang tagapagpadali ng repatriation kapalit ng bayad.

“The Philippine Embassy reiterates its advice to the public to avoid engaging with or transacting through third parties, agents, or individuals claiming to facilitate repatriation in exchange for a fee,” ayon sa Embahada.

“Repatriation assistance extended by the Philippine Government is provided free of charge, and no payment is required at any stage of the process,” dagdag nito.

Binigyang-diin ng Embahada na mananagot sa batas ang sinumang mapapatunayang nagpapanggap bilang bahagi ng opisyal na repatriation efforts ng gobyerno o naniningil sa mga Pilipino.

“The Embassy further underscores that any person, organization, or agency found to be misrepresenting itself as part of official Philippine government repatriation efforts, or soliciting fees from Filipino nationals, will be subject to appropriate legal action in accordance with applicable laws and regulations,” ayon pa sa pahayag.

Pinayuhan din ang mga Pilipino sa United Arab Emirates na makipag-ugnayan sa Embahada sa pamamagitan ng kanilang opisyal na hotline at email para sa agarang tulong. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here