Home HOME BANNER STORY 3 buwang brownout, fake news – Meralco

3 buwang brownout, fake news – Meralco

223
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Manila Electric Company (Meralco) ang kumakalat na impormasyon online tungkol sa umano’y tatlong buwang brownout, at iginiit na ito ay hindi totoo.

Sa inilabas na “fake news alert” sa kanilang opisyal na social media pages, nilinaw ng kumpanya: “Reports of scheduled 3-month long brownouts are false.”

Hinimok ng Meralco ang publiko na umasa lamang sa beripikadong impormasyon mula sa pamahalaan at sa kanilang opisyal na mga channel.

Ayon sa kumpanya, dumarami ang ganitong uri ng maling impormasyon sa social media kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng lumalalang tensyon sa Middle East, na nagsimula noong huling bahagi ng Pebrero matapos ang mga pag-atake na kinasasangkutan ng United States, Israel, at Iran. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here