Home HOME BANNER STORY Drayber na nagpa-full tank ng gas saka tumakas, sumuko sa QCPD

Drayber na nagpa-full tank ng gas saka tumakas, sumuko sa QCPD

173
0

MANILA, Philippines – Sumuko na sa awtoridad ang driver na sangkot sa viral na “gas-and-run” incident, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Lunes ng gabi.

Ang 27-anyos na suspek ay sinamahan ng kanyang pamilya nang magtungo sa QCPD Station 1 bandang alas-8 ng gabi upang sumuko.

Nauna nang natukoy ng pulisya ang suspek at ang sasakyan sa pamamagitan ng forward at backward CCTV tracking at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya.

Sa imbestigasyon, lumabas na tumigil sa pagmamaneho ang suspek at umiwas sa social media matapos mag-viral ang insidente.

Ayon sa kanya, hindi niya alam na hinahanap na siya ng mga awtoridad at nanatili lamang siya sa kanilang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan, kung saan nakaparada rin ang sasakyang sangkot.

Naganap ang insidente noong madaling araw ng Linggo nang magpakarga ng full tank ng diesel ang suspek sa isang gasolinahan sa EDSA ngunit biglang umalis nang hindi binabayaran ang P5,196 na halaga ng gasolina.

Ayon kay Police Brig. Gen. Randy Silvio, natunton ng mga imbestigador ang puting sasakyan sa pamamagitan ng CCTV footage at backtracking operations.

Inihayag ng QCPD na magsasampa sila ng kaukulang kaso ng estafa laban sa suspek sa Office of the Prosecutor. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here