Home NATIONWIDE Mainit na panahon mararanasan sa Semana Santa

Mainit na panahon mararanasan sa Semana Santa

105
0

MANILA, Philippines – Iiral ang mainit at tuyong panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong Semana Santa mula Marso 30 hanggang Abril 5, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na special outlook, sinabi ng PAGASA na dulot ito ng ridge o extension ng high pressure area at ng mainit at mahalumigmig na easterlies na nakaaapekto sa buong bansa.

Asahan ang maaraw na panahon sa malaking bahagi ng Northern Luzon mula Lunes hanggang Miyerkules, Abril 1.

Sa parehong panahon, makararanas ang nalalabing bahagi ng bansa ng mainit at mahalumigmig na kondisyon na may posibilidad ng isolated afternoon thunderstorms o panandaliang pag-ulan.

Gayunman, inaasahan ang mas madalas na pagbuo ng thunderstorms sa ilang bahagi ng Mindanao at Eastern Visayas mula Huwebes Santo, Abril 2, hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5. Mananatili rin ang mainit at tuyong panahon sa Metro Manila sa buong linggo.

Upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng init, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na iwasan ang pisikal na gawain sa labas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, uminom ng sapat na tubig, at magpahinga sa mga malilim na lugar.

Inirerekomenda rin ang pagsusuot ng mapuputing damit, paggamit ng proteksyon laban sa araw gaya ng payong at sumbrero, at pag-iwas sa alak at caffeine. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here