Home NATIONWIDE 99 Pilipino mula Kuwait, ligtas na nakauwi ng Pinas

99 Pilipino mula Kuwait, ligtas na nakauwi ng Pinas

124
0

MANILA, Philippines – Ligtas nang nakauwi sa bansa ang 99 Pilipino mula Kuwait nitong Lunes, sa gitna ng pinaigting na repatriation efforts ng pamahalaan dahil sa tensyon sa Middle East.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), binubuo ang grupo ng 73 overseas Filipino workers at 26 dependents na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng Gulf Air matapos silang ilipat sa pamamagitan ng land travel mula Kuwait patungong Dammam, Saudi Arabia dahil sa limitadong flights at saradong airspace.

“Sa gitna ng limitadong flights at saradong airspace, tinatawid sila mula Kuwait patungong Saudi Arabia para masigurong makasakay sa kanilang flights pauwi ng Pilipinas,” ayon sa OWWA.

Pagdating sa bansa, sinalubong at tinulungan sila ng mga tauhan ng OWWA at ng Department of Migrant Workers sa pamamagitan ng pagkain, transportasyon, pansamantalang matutuluyan, at iba pang suporta.

“Pagdating sa bansa, hindi sila pababayaan. Nakaantabay ang pamahalaan para tiyakin ang kanilang ligtas at maayos na pagbalik,” dagdag niya.

Inaasahan namang darating ang isa pang 99 Pilipino sa Martes at 191 pa sa Huwebes, na magdadala sa kabuuang bilang ng mga repatriate mula Kuwait sa 530 pagsapit ng katapusan ng linggo.

Isinasagawa ang repatriation sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng whole-of-government approach upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa ibang bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here