Home NATIONWIDE Iran magpapataw ng toll sa Strait of Hormuz

Iran magpapataw ng toll sa Strait of Hormuz

156
0

TEHRAN – Inaprubahan ng isang parliamentary commission sa Iran ang panukalang magpataw ng toll sa mga sasakyang pandagat na dumaraan sa Strait of Hormuz, ayon sa state media, sa gitna ng patuloy na epekto ng digmaan sa Middle East sa naturang mahalagang ruta ng kalakalan.

Batay sa ulat ng Iranian state TV, na sumipi sa isang miyembro ng parliament’s security commission, kabilang sa plano ang “financial arrangements and rial toll systems” at layuning “implementing the sovereign role of Iran,” gayundin ang pakikipag-ugnayan sa Oman na nasa kabilang bahagi ng kipot.

Nakasaad din sa panukala ang “prohibition of Americans and the Zionist regime from passing through,” at mga hakbang laban sa pagpapataw ng sanctions ng ibang bansa sa Iran.

Ang Strait of Hormuz ay isang kritikal na daanan ng pandaigdigang enerhiya kung saan dumaraan ang humigit-kumulang isang-kalimang bahagi ng suplay ng crude oil at liquefied natural gas sa panahon ng kapayapaan.

Gayunman, ayon sa maritime intelligence firm na Kpler, bumagsak ng halos 95 porsiyento ang bilang ng mga dumaraang sasakyang pandagat mula nang magsimula ang kaguluhan, na may malaking epekto sa global energy markets. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here