Home HOME BANNER STORY 8 bus companies pinagpapaliwanag ng LTFRB sa ilegal na taas-pasahe

8 bus companies pinagpapaliwanag ng LTFRB sa ilegal na taas-pasahe

161
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa walong bus companies dahil sa umano’y ilegal na pagtaas ng pamasahe, at nagbabala ng posibleng suspensyon o kanselasyon ng kanilang Certificates of Public Convenience (CPC).

Ayon kay LTFRB chair Vigor Mendoza II, inaatasan ang mga operator na magpaliwanag sa loob ng 10 araw kung bakit hindi sila dapat parusahan dahil sa paniningil ng dagdag pamasahe nang walang pahintulot ng pamahalaan.

“We understand the challenges that bus companies and other operators of public utility vehicles are facing now but these challenges must never be used as a reason or as an excuse to violate existing regulations at the expense of commuters,” ani Mendoza.

“This is not acceptable and they must explain properly why they should not be penalized,” dagdag pa niya.

Inatasan din ang mga kumpanya na agad itigil ang paniningil ng sobra. Kapag nabigong magsumite ng paliwanag o dumalo sa pagdinig sa Abril 3, maaari silang multahan ng P5,000 at ituring na tinalikuran ang kanilang karapatang marinig.

Ilan sa mga operator ay umano’y bumibiyahe sa Bicol region. Nauna nang iniulat ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga ito sa LTFRB kaugnay ng isyu.

Ang hakbang ay kasunod ng naunang pag-apruba ng fare adjustments sa mga public utility vehicles na kalaunan ay sinuspinde ni Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.

“The instruction of President Marcos and Transportation Secretary Giovanni Lopez is clear and simple. There must be no fare hike. And we will not allow defiance of this instruction,” ani Mendoza.

Ayon pa sa LTFRB, nag-deploy na sila ng “mystery riders” upang bantayan ang pagsunod ng mga operator, at hinikayat ang publiko na i-report ang anumang kaso ng overcharging. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here