Home NATIONWIDE P60M lotto jackpots, mailap sa mga mananaya

P60M lotto jackpots, mailap sa mga mananaya

99
0

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot prizes ng major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Marso 30.

Ayon sa PCSO, walang nakahula sa tamang kombinasyon na 03-27-24-07-43-13 sa Megalotto 6/45 kaya nananatiling walang nakakuha sa P15,000,000.00 jackpot prize.

Gayundin, hindi rin napanalunan ang P45,000,000.00 jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang tumama sa winning combination na 27-34-31-54-23-03.

Isinasagawa ang draw ng Megalotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang Grand Lotto 6/55 naman ay tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here