Home NATIONWIDE P1.2B inilaan ng DOLE pang-ayuda sa obrerong hagip ng taas-presyo ng langis

P1.2B inilaan ng DOLE pang-ayuda sa obrerong hagip ng taas-presyo ng langis

115
0

MANILA, Philippines – Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1.2 bilyon upang magbigay ng pansamantalang trabaho at tulong sa mga manggagawang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa isang opisyal nitong Lunes.

Ayon kay DOLE spokesperson at Assistant Secretary Lennard Constantine Serrano, magsisilbing “emergency assistance for marginalized and displaced workers” ang pondo, lalo na para sa mga nasa transport sector.

“Itong pag-refocus ng P1.2 billion ay para sa transport workers, pero tuloy-tuloy naman po ang pag-implement sa other sectors that are hit dito sa pag tataas ng oil prices,” aniya sa panayam sa state-run PTV.

Dagdag ni Serrano, lumilihis na ang ahensya sa mga panandalian at mababang epekto na gawain patungo sa mas makabuluhang oportunidad sa trabaho.

“We are veering away sa mga nakikita natin na pagwawalis-walis. We are making it more meaningful para yung trabaho talagang makatulong hindi lang para sa tao pero maging para sa komunidad,” dagdag niya.

Tinitingnan din ng DOLE ang mga “sustainable” na trabaho na naaayon sa kakayahan ng mga displaced workers.

Sa unang quarter ng 2026, umabot na sa P750 milyon ang nagastos ng ahensya upang matulungan ang humigit-kumulang 110,000 manggagawang Pilipino sa ilalim ng kanilang social protection programs. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here