Home NATIONWIDE ‘Easter Emergency Bonus’ sa SSS at GSIS pensioners, ibigay – solon

‘Easter Emergency Bonus’ sa SSS at GSIS pensioners, ibigay – solon

311
0

MANILA, Philippines — Nanawagan si SSS-GSIS Pensyonado Party-list Rep. Rolando Ledesma Macasaet na agad ilabas ang “Easter Emergency Bonus” upang matulungan ang mga pensioner sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, pagkain, at medisina.

Ayon kay Macasaet, kabilang ang mga pensioner sa pinakaapektadong sektor kaya kinakailangan ang agarang tulong.

“Sa panahon na patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina, pagkain at medisina, kinakailangan natin ang mga mabilisang tulong para sa ating mga pensioner,” aniya.

Iminungkahi ng mambabatas na kunin ang pondo mula sa umiiral na benepisyo tulad ng 13th-month pension ng Social Security System (SSS) at Christmas cash gift ng Government Service Insurance System (GSIS) upang agad itong maipamahagi nang hindi nangangailangan ng dagdag na pondo.

Tiniyak niya na hindi maaapektuhan ang katatagan ng pondo ng dalawang ahensya.

“As the former president of both GSIS and SSS, I know there will be no effect on the fund life of the institutions if we release it now,” ani Macasaet.

Dagdag pa niya, hindi na kailangan ng aksyon mula sa Malacañang o Kongreso dahil may kapangyarihan na ang mga board ng SSS at GSIS na aprubahan at ilabas ang naturang benepisyo.

“There is no need to delay this any further. This does not require any action from Malacañang or Congress. The respective Boards of the SSS and GSIS already have the authority to approve and release this benefit immediately,” dagdag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here