CEBU CITY — Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos silang barilin ng isang security guard na umano’y matagal nang binu-bully ng mga biktima, ayon sa pulisya.
Base sa ulat, nakaupo sa gilid ng kalsada ang dalawang biktima nang paputukan sila ng 48-anyos na suspek.
Nasawi ang isa sa mga biktima habang sugatan ang isa pa. Tumakas ang suspek ngunit kalaunan ay naaresto, at narekober din ang kaniyang service firearm na pinaniniwalaang ginamit sa insidente.
Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na matagal na umano siyang binu-bully ng mga biktima.
Wala pang inilalabas na pahayag ang suspek. Mary Anne Sapico