Home NATIONWIDE Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin ‘gang Abril 15 – DTI

Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin ‘gang Abril 15 – DTI

206
0

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na mananatiling walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang Abril 15, ngunit nagbabala na posibleng magkaroon ng pagtaas sa ilang produkto simula Abril 16.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque, walang ipatutupad na price increase sa basic necessities at prime commodities sa kasalukuyan matapos ang pakikipagpulong sa mga manufacturer.

“There is no price increase for basic necessities and prime commodities until April 16. [After that] definitely we can expect some price increase but not for all,” ani Aldeguer-Roque.

Dagdag pa niya, may ilang manufacturer na nangakong hindi magtataas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin hanggang katapusan ng Abril.

“Nag-usap kami ng manufacturers and yung ibang basic necessities and prime commodities wala po silang price increase up to the end of April,” aniya.

Sinabi ng kalihim na maglalabas ang DTI ng karagdagang impormasyon bago sumapit ang Abril 16 kaugnay ng mga produktong maaaring maapektuhan ng inaasahang pagtaas ng presyo. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here