Home METRO Barangay Kagawad, binaril sa loob ng sariling bar sa Cavite

Barangay Kagawad, binaril sa loob ng sariling bar sa Cavite

236
0

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ng isang kagawad ng Barangay na mas kritikal na kondisyon makaraang barilin ng isang lalaki na nagpanggap na kostumer habang nagbabayad sa isang Bar na pag aari ng biktima sa Brgy Banaba, Silang, Cavite.

Sa report ng pulisya, kinilala nag biktima si Jaime Soner Solis, 55 anyos, kagawad ng Brgy Banaba ng nasabing bayan at nag mamay ari ng Brothers Disco Bar.

Batay sa ulat, bandang 4:45 AM madaling araw nang Marso 31 ng maganap ang insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpanggap na kustomer ang suspek, nakasuot ng puting t-shirt at shorts, na kaagad na bumunot ng baril habang nagbabayad sa counter at malapitang pinaputukan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit insidente.

Kaagad namang isinugod sa ospital ng GMA Cavite sugatang biktima upang malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at ang footage ng mga CCTV sa lugar para sa pagkakakilanlan ng suspek upang mabatid kung pulitika o personal ang motibo sa tangkang pagpatay sa kagawad.

Base naman sa ilang source si Solis ay kilala di umano bilang hayagang kritiko nina FLM o Francis Leo Marcos at Mayor Ed Custodio. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here