Home IN PHOTOS Tulong Guro Community Pantry inilunsad sa Kyusi

Tulong Guro Community Pantry inilunsad sa Kyusi

191
0

 

Naglunsad ang ACT NCR Union at Quezon City Public School Teachers Association ng Tulong Guro Community Pantry para sa mga pampublikong tsuper ngayong araw, Marso 31, sa San Francisco del Monte, Quezon City.

Ang programa ay bilang pakikiisa at pagdamay ng mga kaguruan sa mga tsuper ng jeep, tricycle at iba pang pampublikong transportasyon na lubhang tinamaan ang kabuhayan ng matinding pagsirit ng presyo ng langis at gera ng US sa Gitnang Silangan.

‘Malaki ang serbisyo ng ating mga tsuper sa aming mga guro at mga estudyante. Sa gitna ng krisis na lahat tayo ay apektado, marapat lang na magtulungan at magdamayan tayong mga naghihirap. Higit dito, kailangan ring nagkakaisa nating singilin ang mga oil companies na sinasamantala pa ang krisis para lalong pumiga ng tubo. Gayundin ang gobyernong Marcos na kumokolekta ng mas malaking VAT at excise tax habang walang patid ang oil price hike, sa halip na kondenahin ang panggigyera ng US, pigilan ang pagsasamantala ng oil companies, at bigyan ng kagyat na ginhawa ang mamamayan,” ani Erlinda Alfonso, Tagapangulo ng QCPSTA.

Dagdag ni Alfonso, naghahanda ang mga guro sa pagtatayo ng mas maraming community pantry ngayong bakasyon upang makipagkaisa sa mga tsuper, manggagawa at maralita sa mga komunidad. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here