MANILA, Philippines — Nag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng double-digit na pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) na epektibo ngayong Abril 1, bunsod ng paggalaw ng international contract prices.
Ayon sa Petron Corporation, magpapatupad ito ng ₱20 kada kilo na dagdag-presyo simula 12:01 a.m. ng Miyerkules, katumbas ng humigit-kumulang ₱220 na dagdag sa karaniwang 11-kilogram na tangke.
“This reflects the international contract price of LPG for the month of April,” ayon sa kumpanya.
Samantala, magtataas din ng ₱17 kada kilo ang Solane LPG simula alas-6 ng umaga sa parehong araw.
“This is aligned with the adjustment in international contract price for April,” ayon sa Solane.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), nasa pagitan ng ₱818.62 hanggang ₱1,128.62 ang presyo ng isang 11-kilong LPG tank noong Marso 2026.
Nauna nang nagbabala ang LPG Marketers Association (LPGMA) na maaaring umabot sa ₱1,500 ang presyo ng LPG tank sa Abril dahil sa tumataas na shipping costs na dulot ng limitadong access sa Strait of Hormuz. Santi Celario