Home NATIONWIDE Mister kinatay ng kainumang senglot

Mister kinatay ng kainumang senglot

133
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Brgy. Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Una rito, nag-iinuman ang 59 anyos na biktima, residente ng Hollywood North, Brgy. Lamo kasama ang 31 anyos na suspek nang biglang umalis ang huli at nang bumalik, may dala na siyang kutsilyo.

Dito sinaksak ng tatlong beses ang biktima sa kanyang likuran. Nakatakbo pa umano ang biktima ng mga isandaang metro palayo sa suspek subalit bumagsak din ito kalaunan.

Isinugod ang biktima sa hospital subalit namatay rin siya dahil sa lalim ng mga sugat.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang araw ng nag-iinom ang suspek dahil sa nakatakdang pag-alis ng live-in-partner patungong Middle East para magtrabaho.

Ayaw umanong payagan ng lalaki ang kanyang partner na magtungo sa ibang bansa.

Posibleng napag-initan umano ng suspek ang biktima kung kaya’t nagawa ang nasabing krimen. Nasa kustodiya na ng Dupax del Norte ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here