Home METRO Debris netting bumigay sa construction site sa Maynila

Debris netting bumigay sa construction site sa Maynila

145
0

MANILA, Philippines – Sarado ang bahagi ng isang kalye sa Sta. Cruz, Maynila matapos bumagsak ang malapad na debris netting o safety net sa ginagawang gusali nitong Miyerkules ng hapon, Abril 1.

Sa inisyal na ulat, bandang alas-2:07 ng hapon nang mangyari ang insidente sa ginagawang 56 palapag na gusali sa Florentino Torres Street sa Sta Cruz, Maynila.

Ayon sa ilang establisyimento sa lugar, nakarinig na lamang sila ng malakas na kalabog.

Dito nila nalaman na bumigay na pala ang debris netting matapos itong mabagsakan ng concrete bucket na nag-aakyat ng mga materyales na ginagamit naman sa nasabing konstruksyon.

Maswerteng walang seryosong nasaktan sa insidente maliban sa isa umanong nagtamo lamang ng minor injury.

Bukod dito, walang mga sasakyan na dumaraan sa lugar nang mangyari ang insidente at tanging ang mini truck lamang na gamit sa konstruksyon ang bahagyang tinamaan.

Maagap na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Red Cross (PRC) sa lugar.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here