Home NATIONWIDE Walang bantang namomonitor sa Metro Manila ngayong Semana Santa – NCRPO

Walang bantang namomonitor sa Metro Manila ngayong Semana Santa – NCRPO

127
0

MANILA, Philippines – Walang namomonitor na banta sa Metro Manila ngayong Semana Santa, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Anthony Aberin nitong Miyerkules, Abril 1.

“Tuloy-tuloy din po yung monitoring natin. We assure you at this point in time, wala pa pong direktang banta sa seguridad dito po sa Metro Manila,” sinabi ni Aberin.

Ngayong Semana Santa ay nasa 13,000 tauhan ng PNP ang ipinakalat sa Metro Manila.

Tutulong ang mga barangay tanod at volunteer groups sa trabaho ng mga pulis para panatilihin ang kaligtasan sa mga terminal, simbahan at iba pang pampublikong lugar.

“Yung pananamantala ay palagi po ang ating kapulisan dyan na nagbabantay to make sure na ligtas ang ating mga kababayan, lalong-lalo na po yung ating mga kababayan na bibiyahe,” ani Aberin.

Nagpaalala rin ito sa publiko na ingatan ang mga bahay habang naka-bakasyon at ipagkatiwala sa mga kapitbahay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here