MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nanatiling generally peaceful ang paggunita ng Semana Santa sa buong bansa, at walang naitalang malalaking insidente.
Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., prayoridad ng pulisya ang ligtas na biyahe ng milyun-milyong Pilipino.
“Safe travel of millions of our kababayan remains our top priority. We remain on full alert status, and our personnel on the ground are ready to respond to any peace and order and public safety concerns,” aniya.
Nag-deploy ang PNP ng 98,636 pulis sa buong bansa para magbantay sa panahon ng Kuwaresma. Ipinuwesto ang mga ito sa mga simbahan, pasyalan, pangunahing kalsada, transport hubs, at iba pang mataong lugar.
Nagpaalala rin ang PNP sa mga motorista na manatiling kalmado sa mahabang biyahe upang maiwasan ang road rage.
Pinayuhan din ang mga driver na tiyaking maayos ang kanilang sasakyan bago bumiyahe at iwasan ang pagmamaneho kung nakainom ng alak o may sakit.
“We will continue to be vigilant and responsive until every traveler has safely returned home. The safety and well-being of our kababayan remain a priority,” dagdag ni Nartatez. RNT/MND