Home NATIONWIDE 60 litro ng diesel ninakaw sa nakaparadang backhoe sa Leyte

60 litro ng diesel ninakaw sa nakaparadang backhoe sa Leyte

124
0

MANILA, Philippines – Ninakaw ang nasa 60 litro ng diesel sa nakaparadang backhoe sa Wizard School sa Barangay Fatima, Villaba, Leyte.

Ang pagnanakaw ay pinaniniwalaang nangyari noong Abril 1 napansin na lamang ng may-ari ng backhoe na ubos na ang kargang diesel nito.

Nakapwesto ang backhoe sa isang construction site.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Bilang tugon, nanawagan ang may-ari ng backhoe na huwag bumili ng diesel na nakalagay sa container.

“Our backhoe was robbed of diesel. We appeal to everyone not to purchase fuel from questionable sources. If no one buys, the stealing will stop,” sinabi ng may-ari sa panayam sa radyo.

Iniimbestigahan na ang naturang insidente.

Ito ang ikalawang kaso ng pagnanakaw ng petrolyo sa Leyte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here