MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na muling ipagpapatuloy ang voter registration bukas, Abril 7 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Nitong Holy Week, pansamantalang sinuspinde ang pagpaparehistro kaya sarado ang kanilang tanggapan mula Miyerkules Santo hanggang Biyernes Santo.
Balik din ang regular office transactions ng poll body bukas.
Sa pinakahuling datos ng Comelec, nasa 3,697,800 na ang mga nagpatala para sa BSKE.
May pinakamaraming nagpatala ang mula sa Calabarzon na may mahigit 600,000, sinundan ng Central Luzon na mahigit 400,000 at National Capital Region na mahigit 372,000 na aplikante. Jocelyn Tabangcura-Domenden