MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Bogo City, Cebu nitong hapon ng Lunes, Abril 6.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay tectonic in origin at naitala 17 kilometro timog silangan ng Bogo.
Tumama ito 3:22 ng hapon at may lalim na 10 kilometro.
Inaasahan ang mga aftershock at pinsala sa naturang lindol, ayon sa PHIVOLCS.
Nakapagtala naman ng pinsala ang ilang establisyimento sa Bogo matapos ang pagyanig. RNT/JGC