MANILA, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes, Abril 7 ang mabilis na lava fountaining sa Bulkang Mayon.
Ayon sa PHIVOLCS, ang short-lived lava fountaining ay namonitor sa summit ng crater ng bulkan sa pagitan ng 8:39 ng umaga at 9:23 ng umaga.
Naglabas din ito ng ash clouds na umabot sa 300 metro ang taas.
Nitong Lunes, nakapagtala rin ang ahensya ng short-lived lava fountaining at minor strombolian activity sa Bulkang Mayon.
Kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 3 ng bulkan. RNT/JGC