Home NATIONWIDE 564K pasahero naitala sa 44 PH airports noong Semana Santa – CAAP

564K pasahero naitala sa 44 PH airports noong Semana Santa – CAAP

130
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap) ng 564,890 pasahero sa 44 paliparan sa bansa noong Semana Santa o mula Marso 28 hanggang Abril 5.

Ayon sa CAAP, ang passenger traffic ngayong taon ay mas mataas kumpara sa 505,511 Holy Week passengers noong nakaraang taon.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas sa passenger traffic ay naging maayos naman umano ang sistema sa lahat ng operated airports nito.

Narito ang mga naitalang bilang ng mga pasahero sa mga sumusunod na paliparan:

Davao International Airport – 112,322 passengers
Iloilo International Airport – 70,932 passengers
Bacolod-Silay Airport – 51,530 passengers
Puerto Princesa International Airport – 48,340 passengers
Daniel Z. Romualdez Airport – 37,868 passengers

Ang maayos na operasyon sa mga paliparan noong Semana Santa ay dahil na rin umano sa pinaigting na koordinasyon sa mga airport personnel, airline partners at iba pang ahensya ng pamahalaan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here