Home NATIONWIDE Pananaksak sa 5-anyos na paslit sa Navotas ikinabahala ng CWC

Pananaksak sa 5-anyos na paslit sa Navotas ikinabahala ng CWC

209
0

MANILA, Philippines – Lubhang nabahala ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa pananaksak sa isang 5-anyos na batang lalaki sa Navotas City noong Marso 31 sangkot ang isang 20-anyos na lalaki.

Sa pahayag, sinabi ng CWC na ang insidente ay nagpapakita ng pangangailangan na palakasin ang preventive child protection systems sa community level.

Batay sa mga report ng pulisya, ang bata ay huling nakita kasama ang suspek at dalawa iba pang menor de edad bago dalhin sa bakanteng lote.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima, kabilang ang mga laslas sa tiyan at leeg, at hematoma sa kaliwang mata.

Nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang biktima.

Naaresto ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa mga reklamo ng frustrated murder at child abuse.

Iginiit ng CWC na ang mga ganitong gawain ay nagpapakita ng karahasan laban sa mga bata na may mahigpit na parusa sa ilalim ng Republic Act No. 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here