Home NATIONWIDE LTFRB nakapamahagi na ng halos P1B fuel subsidy sa PUV drivers, operators

LTFRB nakapamahagi na ng halos P1B fuel subsidy sa PUV drivers, operators

194
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mas marami pang PUV driver at operator ang nakatanggap ng tig-P5,000 fuel subsidy mula sa ahensya.

Nabatid na sa pinakahuling datos, umabot na sa halos P1-bilyon ang naipamahaging subsidy sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang ang National Capital Region na umabot sa P200 milyon at iba pang rehiyon tulad ng CALABARZON, Central Luzon, at Central Visayas.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga driver at operator ng jeepney, UV Express, bus, taxi, TNVS, tricycle, pati delivery services at motorcycle taxis.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Vigor D. Mendoza, patuloy nilang pinapabilis at inaayos ang proseso ng distribusyon upang agad na makarating ang tulong hanggang sa mga bayan.

Kaugnay nito dagdag pa nito, paiigtingin pa ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya upang mapabilis ang pamamahagi at masigurong lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ay mabibigyan ng tulong.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking walang maiiwang driver o operator sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here