Home NATIONWIDE Special non-working days sa 4 na lokalidad idineklara

Special non-working days sa 4 na lokalidad idineklara

143
0

MANILA, Philippines – NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng proklamasyon na nagdedeklara ng special non-working days sa ilang bahagi ng bansa, payagan ang mga residente na ganap na magpartisipa sa lokal na pagdiriwang at paggunita.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1207, idineklara ni Pangulong Marcos ang Abril 20, araw ng Lunes bilang special non-working day sa City of Tarlac para sa 28th Charter Anniversary nito.

Ang okasyon ay orihinal na ipinagdiriwang tuwing Abril 19, tumama o bumagsak sa araw ng Linggo ngayong taon. Gayunman, nakasaad sa proklamasyon na ang lokal na gobyerno na humiling na ang pagdiriwang ay ilipat sa araw ng Lunes upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente ng City of Tarlac na magpartisipa sa okasyon at mag-enjoy sa mga kasiyahan.

Gayundin, nagpalabas ang Pangulo ng Proclamation No. 1208, idinedeklara ang Abril 20 bilang isang special non-working day sa Municipality of Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya, para sa founding anniversary nito.

Idagdag pa rito, nagpalabas din ang Punong Ehekutibo ng Proclamation No. 1209, nagdedeklara sa Abril 23, araw ng Huwebes, bilang special non-working day sa Municipality of Plaridel, Bulacan.

Ang petsa ay tanda ng anibersaryo ng kasaysayan ng “Battle of Quingua”, isang mahalagang sagupaan sa panahon ng Philippine-American War kung saan ang puwersa ng mga filipino ay pinangunahan ni General Gregorio del Pilar na nakamit ang tagumpay.

Naglabas din ang Pangulo ng Proclamation No. 1211, idinedeklara ang Abril 25, araw ng Sabado, bilang isang special non-working day sa Province of Nueva Ecija para ipagdiwang ang founding anniversary nito.

Ang lahat ng proklamasyon ay tinintahan noong Marso 30, 2026. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here