Home NATIONWIDE Mas mahigpit na curfew sa mga menor de edad sa NCR, suportado...

Mas mahigpit na curfew sa mga menor de edad sa NCR, suportado ng senador

113
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Senador Sherwin Gatchalian ang hakbang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mas mahigpit na ipatupad ang curfew sa mga menor de edad sa Metro Manila matapos ang alas-10 ng gabi.

Ani Gatchalian, mapoprotektahan nito ang mga kabataan mula sa panganib at mapanatili ang kaayusan ng paligid partikular sa high-risk urban areas.

Ang direktiba ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbang para mapalakas ang local enforcement ng umiiral na curfew ordinances sa Metro Manila.

“Magpapatuloy ang banta sa kaligtasan ng ating mga kabataan kung hahayaan natin silang gumagala sa mga lansangan sa kalaliman ng gabi,” sinabi ni Gatchalian.

“Ang pagtaguyod natin sa kaligtasan ng ating mga kabataan ay kaakibat ng pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa mga kalsada ng Metro Manila,” dagdag pa niya.

Nauna nang hinimok ng DILG ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang curfew measures at iba pang ordinansa katulad ng pag-inom sa kalsada at pagbi-videoke. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here