Home NATIONWIDE Roblox ‘di na ipagbabawal sa Pilipinas

Roblox ‘di na ipagbabawal sa Pilipinas

185
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Martes, Abril 7 na bibitawan na nito ang planong ipagbawal ang Roblox sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagsisiguro ng online gaming platform na paiigtingin ang seguridad sa kaligtasan ng mga bata.

Sa pahayag, sinabi ng DICT na ang desisyon ay ginawa matapos ang pagpupulong sa mga opisyal at representative ng Roblox, Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), at law enforcement agencies.

Kasabay ng pagpupulong, ibinahagi ng Roblox ang mas mahigpit na safeguards sa plataporma nito kabilang ang mahigpit na monitoring, reporting mechanisms, at age-appropriate content controls.

Idinagdag pa ng DICT na ang Roblox ay magsasagawa ng information campaign simula Abril 12 para i-promote ang mas mahigpit na safeguards at magbigay ng guidelines sa mga magulang sa tamang paggamit ng platform sa mga anak.

“Digital safety ay responsibilidad ng platform, gobyerno, at bawat pamilya. Sama-sama nating bantayan at protektahan ang kabataang Pilipino sa online space,” ayon sa DICT. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here