Home METRO Oldest World War II veteran sa Davao City, namaalam na

Oldest World War II veteran sa Davao City, namaalam na

132
0
Photo by Grace Frias

DAVAO CITY — Pumanaw na sa edad na 102 si Teofilo Gamutan Sr., na kinikilalang pinakamatandang World War II veteran sa Davao City.

Ayon sa kanyang pamilya, namatay si Gamutan, na mas kilala bilang “Lolo Pilo,” noong Biyernes Santo, Abril 3, 2026.

Inilarawan siya ng kanyang pamilya bilang isang taong namuhay nang may pananampalataya, dangal, lakas, kababaang-loob, at kabutihan. Anila, isa rin siyang mapagmahal na ama at kapitbahay na nagbigay ng dignidad at ginhawa sa mga tao sa kanyang paligid.

Humihiling ang pamilya ng panalangin para sa kanyang walang hanggang kapahingahan.

Nakilala si Lolo Pilo sa mga Davaoeño dahil regular siyang dumadalo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa lungsod tuwing Abril 9 sa kabila ng kanyang edad. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here